Task Force "Tadao", itinatag
July 25, 2001 | 12:00am
Nagbuo kahapon ang pamunuan ng Northern Police District Office (NPDO) ng Task Force Tadao upang mabilis na madakip ang responsable sa pamamaslang sa international musician.
Ito ang sinabi kahapon sa isang press conference ni Chief Supt. Vidal Querol, hepe ng NPDO kasabay ng pagtatalaga kay Sr. Supt. Benjardi Mantele, chief ng Caloocan police.
Ayon kay Querol, ang pagtatatag ng Task Force Tadao ay upang mapabilis ang pagkakadakip sa suspect na responsable sa pagpatay kay Tadao Hayashi.
Kaugnay nito, nagtungo at nakipagkita kahapon kay Caloocan City Mayor Reynaldo Malonzo ang mga kamag-anak ni Hayashi.
Sinabi naman ni Mantele na anumang oras simula ngayon ay maaari nang madakip ang nag-iisang suspect na pumaslang kay Hayashi na umanoy isa ring malapit sa biktima at labas-masok sa bahay nito.
Lumalabas din sa imbestigasyon ng pulisya na crime of passion at hindi ang pagnanakaw ang motibo sa pamamaslang. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended