^

Metro

'Cashless system' ipatutupad sa LTO

-
Upang umano’y maibsan ang matinding korupsiyon at katiwalian sa Land Transportation Office (LTO) sisimulan na sa susunod na buwan (Agosto) ang ‘cashless system’ sa lahat ng transaksyon sa ahensiya.

Ang hakbang ayon kay LTO Chief Edgardo Abenina ay ipatutupad bunsod na rin ng hindi mapigil na katiwalian sa mga transaksyon sa ahensiya sa pakikipagsabwatan ng mga tiwaling tauhan ng ahensiya.

Dahil sa mawawala na ang mga kahera sa LTO ang lahat ng bayarin sa mga transaksyon dito, tulad ng driver’s license fee at registration fee ay sa bangko na babayaran.

Ang pagkakaroon din umano ng cashiers station sa LTO ang nagiging dahilan ng pagkabalam ng pagre-release ng mga dokumento sa pagre-rehistro ng mga sasakyan.

Hiningi naman ni Abenina ang pang-unawa ng mga aplikante dahil ang hakbang anya ay isang paraan para mawala na ang katiwalian sa ahensiya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ABENINA

AGOSTO

ANGIE

CHIEF EDGARDO ABENINA

CRUZ

DAHIL

HININGI

LAND TRANSPORTATION OFFICE

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with