^

Metro

Mister pinagtaksilan na kinasuhan pa

-
Dalawang beses na sinampal ang isang mister ng kanyang misis na nahuli na niya sa akto na nangangaliwa ay nagsampa pa ng kaso laban sa kanya kung saan idinamay din nito ang ilang miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT), kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Kinasuhan ni Maria Girlie Jose, general manager ng Equino Power Trading at residente ng #787 Coronado, Brgy. Hulo ang kanyang mister na si Gerardo Ocampo ng malicious mischief, oral defamation at unjust vexation.

Kasamang inireklamo rin nito ang mga kagawad ng SWAT sa pangunguna nina SPO1 Ricardo Gutierrez at PO2 Antonio Gallardo ng negligence of duty.

Sa ulat ni PO3 Romarico Sta. Maria, imbestigador, humingi umano ng police assistance si Ocampo sa Mandaluyong police dakong ala-1 ng madaling-araw upang arestuhin ang kanyang asawang si Maria dahil sa pakikipagtagpo umano nito sa ibang lalaki sa isang apartment sa may San Rafael St., Brgy. Plainview, ng lungsod na ito.

Nang makarating sa lugar, nakita nito ang asawa at ang umano’y lalaki nito sa loob ng naturang apartment sanhi upang magsisigaw sa labas si Ocampo upang palabasin ang dalawa. Nagawa pa nitong wasakin ang pinto ng bahay dahil sa pagsipa at pagbato rito.

Sa loob ng istasyon ng pulisya, inireklamo ni Jose ang kapabayaan umano ng mga pulis na hindi inawat si Ocampo sa pagwawala. Ikinatwiran pa nito na isang taon na umano silang hindi nagsasama ng asawa kaya wala na itong pakialam sa kanya.

Nabatid naman na nagsampa rin ng kasong adultery si Ocampo laban sa kanyang misis. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANTONIO GALLARDO

BRGY

DANILO GARCIA

EQUINO POWER TRADING

GERARDO OCAMPO

MANDALUYONG CITY

MARIA GIRLIE JOSE

OCAMPO

RICARDO GUTIERREZ

ROMARICO STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with