3 pulis na pumatay sa grupo ng 'Martilyo Gang' promoted
July 24, 2001 | 12:00am
Sa kabila ng naging kontrobersiyal ang pagkakapatay sa siyam na miyembro ng Martilyo Gang, tatlo sa mga pulis na naka-engkuwentro ng sindikato ang pagkakalooban ng promosyon ng pamunuan ng PNP.
Sinabi ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza, na nakatakda na nilang isumite ang rekomendasyon sa National Police Commission (NAPOLCOM) para sa promosyon ng tatlong nasugatang pulis na sina Chief Inspector Lorimar Edran, PO3 Robert Monsod at Senior Inspector Hally Domingo.
Ang tatlo ay kabilang sa mahigit sa 20 kagawad ng PNP-Intelligence Group (IG) na nagsagawa ng operasyon laban sa nasabing kilabot na grupong kriminal nitong nakaraang Sabado ng gabi sa madugong shootout na ipinalalagay na rubout ng pamilya ng mga biktima sa Bonifacio drive sa Intramuros, Manila.
Sa siyam na napatay sa naturang engkuwentro, lima dito ay nakilalang sina Giovanni Jalique, Nhold Usop, Ricky Ismael, Abdul Theng at Dizari Plang.
Iginiit ni Mendoza na isang legitimate operation ang naganap dahil sa isang linggo ring isinailalim sa surveillance operation ang grupo ng mga suspect.
Aniya, hindi makatarungan na pagkaitan ng promosyon ang mga nagsumikap na pulis dahil lamang sa mga walang basehang alegasyon na hindi shootout kundi rubout ang pagkakapatay sa mga suspect. (Ulat nina Joy Cantos at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest