^

Metro

Al Tantay tinangkang bentahan ng carnap na sasakyan

-
Bumagsak sa kamay ng Eastern Police District (EPD) ang isang 47-anyos na Filipino-Chinese matapos ang isinagawang entrapment operation nang ipadakip ito ng aktor/direktor na si Al Tantay dahil sa tangkang pagbebenta sa kanya ng isang nakaw na luxury car na nauna nang isinangla sa kanya.

Nakilala ang dinakip na si Francis Ong, ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig City. Pinaghahanap naman ngayon ang dalawa pa niyang kasabwat na nakilala lamang sa pangalang Jomar de Leon at isang hindi pa nakikilalang suspect.

Isinagawa ang entrapment operation dakong alas-11:30 noong Linggo ng umaga.

Nakatakdang magbigay ng halagang P400,000 si Tantay bilang kabuuang halaga sa ibinebenta ng suspect na isang Toyota Land Cruiser na nauna nang isinanla sa kanya sa halagang P720,000.

Nabatid na noong Hulyo 9 inalok sa kanya ng kakilalang si de Leon na kunin ang isinasanglang sasakyan ni Ong, at dahil sa mababa naman ang sangla ay pumayag si Tantay.

Subalit makalipas ang ilang araw ay muling bumalik sa kanya ang dalawa at inalok na bilhin nang tuluyan ang naturang luxury car.

At dahil sa mababang halaga na sinasabi sa kanya ng mga suspect ay agad na nagduda si Tantay at nagtungo sa Traffic Management Group (TMG) sa Camp Crame at bineripika ang mga papeles na ipinakita sa kanya ni Ong at doon niya nakumpirma na peke ang mga papeles na hawak nito.

Dahil dito, inihanda ng pulisya ang entrapment operation laban sa suspect na ikinadakip nito. Sinabi ng pulisya na posible umanong sangkot si Ong at ang pinaghahanap na si de Leon sa isang malaking sindikato ng carnapping na nag-ooperate sa Metro Manila. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AL TANTAY

BARANGAY PINAGBUHATAN

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

EASTERN POLICE DISTRICT

FRANCIS ONG

KANYA

METRO MANILA

ONG

TANTAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with