^

Metro

Obrero nang-agaw ng baril ng pulis, napatay

-
Binaril at napatay ng isang pulis-Pasig na inagawan ng baril ng isang 18 anyos na factory worker na nagwala dahil siningil lang ito sa kanyang bills na nainom sa isang videoke bar sa Pasig City kahapon ng madaling araw.

Patay na bago dumating sa Rizal Medical Center ang biktimang si Joel Olanday, residente ng Rosario Ortigas Extension dahil sa tinamong tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan.

Samantala ang pulis na nakabaril at nakapatay ay si PO3 Sande Baybayon, nakatalaga sa Pasig Criminal Investigation Division, nagtamo rin ito ng mga pasa sa kaliwang braso dahil sa paghataw ng tubo sa kanya ng mga kasamahan ni Olanday.

Inaresto naman ang mga kasamahan ni Olanday na sina Joselito Liperada, 23; Greggy De Sola, 18 ; Edwin Olanday, 24; at Romeo Decena, 20.

Sa pagsisiyasat ng pulisya na pumasok ang grupo ni Olanday sa Jazzrose Videoke na matatagpuan sa De Castro St., Bgy. Rosario, Pasig City dakong alas-3:45 ng madaling araw.

Pagkalipas ng dalawang oras na pag-iinuman ay nalasing umano ang grupo ni Olanday at nagwala ang mga ito ng singilin sa bill nitong P 3,000.

Kaya naman tumawag ang may-ari ng bar ng mga pulis na nagresponde sa nasabing lugar.

Nang dumating si PO3 Baybayon sa nasabing lugar ay pinakiusapan nito ang grupo na bayaran na lamang ang kanilang chit at puwede na silang makauwi.

Subalit nilundag ng grupo ni Olanday si Baybayon at pinaghahataw pa ito ng tubo kaya naman binunot nito ang kanyang baril at nag-warning shot.

Hindi napigil si Olanday at inagaw umano nito ang baril ng pulis na naging dahilan upang mapilitang barilin siya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BAYBAYON

DE CASTRO ST.

EDWIN OLANDAY

GREGGY DE SOLA

JAZZROSE VIDEOKE

JOEL OLANDAY

JOSELITO LIPERADA

LORDETH BONILLA

OLANDAY

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with