Mawawalan ng trabaho, kelot nagbigti
July 22, 2001 | 12:00am
Inunahan na ng isang 23-anyos na lalaki ang nalalapit na paghihirap ng kanyang pamilya dahil sa pagtatapos ng kanyang kontrata sa pinapasukang gasoline station nang magpasya itong wakasan ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.
Nakilala ang nasawi na si Wenceslao Lagunsad, may asawa, ng #81 Makaturing St., Brgy. Barangka Itaas, Mandaluyong City. Isinugod pa ito sa Mandaluyong City Medical Center ngunit hindi na rin naisalba ang buhay nito.
Sa ulat ni PO3 Fernando Aguisan, may hawak ng kaso, malungkot umano na dumating ang biktima galing sa pagtatrabaho sa isang hindi nabanggit na gasoline station.
Sinabi nito sa kanyang asawa na malapit na siyang mawalan ng trabaho dahil sa pagtatapos ng kanyang tatlong-buwang kontrata na hindi na ni-renew pa ng kanyang mga amo.
Agad umanong pumasok ito sa loob ng kanyang kuwarto upang magpahinga kahit na hindi pa kumakain. Dakong alas-7:30 ng gabi nang pumasok sa kuwarto nito ang kanyang kapatid na si Julie Anne upang yayain itong kumain ng hapunan.
Dito nila nadiskubre ang ginawang pagpapakamatay ni Lagunsad na nakabitin sa loob ng kuwarto gamit ang isang mahabang nylon cord.
Ayon kay Julie Anne, matagal na nitong idinadaing sa kanya ang kahirapan nitong makahanap ng trabaho at gayundin ang nalalapit nitong pagtatapos ng kontrata.
Sinabi pa ng kapatid na madalas magpahiwatig na huwag pabayaan ang kanyang asawa at ang nag-iisang anak na kasalukuyang nasa probinsya nakatira. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended