Dinukot na Fil-Chinese nasagip; 2 kidnapers tiklo
July 21, 2001 | 12:00am
Nasagip kahapon ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dinukot na Fil-Chinese teenager 12 oras matapos itong dukutin ng apat na suspects sa Quiapo, Manila.
Kasabay nito, dalawa sa apat na suspects ang nadakip, habang isa naman ang nasawi at ang pinaka-utak naman ay iniulat na nakatakas.
Nakilala ang nasagip na kidnap-victim na si Alvin Sy, 17.
Samantala, nakilala naman ang mga nadakip na suspects na sina PO1 Abdul Cosain, 31, ng Marawi City Police at Amin Ador, 25, ng Marawi City. Nasawi naman sa naganap na 15-pagpapalitan ng putok ang isa pa sa mga suspect na si Lao Anshno, 20.
Nabatid na minamaneho ni Sy ang kanyang Mitsubishi Galant na may plakang UHE-821 sa Quiapo nang tutukan at pahintuin siya ng apat na suspects dakong alas-5:30 ng madaling araw nooong Huwebes. Binanggit sa ulat na sumakay sa kanyang sasakyan ang mga suspect.
Ilang oras pa ang nakalipas ay tumawag na ang mga kidnapper sa magulang ng biktima at humihingi ang mga ito ng P10 milyong ransom, ang naturang halaga ay bumaba sa P5 milyon. Na-trace naman ng mga ahente ng NBI ang tawag na buhat sa Pansol, Laguna.
Isang operasyon ang isinagawa hanggang sa makumpirma na ang biktima ay dinala sa Bato-Bato Resort.
Nang matukoy ang kinalalagyan ng biktima ay nagkaroon ng ilang minutong engkuwentro sa pagitan ng magkabilang panig na dito napatay ang isa sa mga suspect at nadakip ang dalawa pa.
Samantala, pinaghahanap naman ang nakatakas na mastermind na nakilalang si Aminula Dabao. (Ulat ni Mike Frialde)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am