^

Metro

Sindikato sa loob ng Philpost nalansag

-
Pinaniniwalaang nalansag na ang sindikatong nambibiktima sa loob ng Philippine Postal Corporation (Philpost) makaraang madakip ang itinuturong isa sa mga utak nito sa isinagawang entrapment operations sa Parañaque City.

Kinilala ni PNP-CIDG Director Chief Supt. Nestorio Gualberto ang nahuling suspect na si Margarita Medrano, 55-anyos, residente ng Fausta Village, Marilao, Bulacan.

Sinabi ni Gualberto na si Medrano ay nadakip matapos na humingi ng tulong sa kanilang tanggapan si Post Master General Nicasio Rodriguez hinggil sa talamak na pagbili ng bultu-bultong postage stamps gamit ang nakaw o kaya’y aktibong mga tseke.

Nahuli ang suspect sa isinagawang entrapment operations habang aktong tinatanggap nito ang 50,000 piraso ng postal stamp na nagkakahalaga ng P250,000 mula kay Ms. Aida Eclipse, cashier ng Parañaque Postal Branch Office.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon na ang sindikato ng grupo ni Medrano ay nagpupuslit ng milyong halaga ng postage stamps sa apat na magkakahiwalay na illegal na transaksiyon. (Ulat ni Joy Cantos)

DIRECTOR CHIEF SUPT

FAUSTA VILLAGE

JOY CANTOS

MARGARITA MEDRANO

MEDRANO

MS. AIDA ECLIPSE

NESTORIO GUALBERTO

PHILIPPINE POSTAL CORPORATION

POST MASTER GENERAL NICASIO RODRIGUEZ

POSTAL BRANCH OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with