^

Metro

Planong pagtaas ng singil sa tubig tinutulan

-
Tinutulan kahapon ng iba’t ibang grupo ang plano ng Maynilad Waters na maitaas ang singil sa tubig na aabutin ng P4.75 kada cubic meter.

Ikinatwiran ng Freedom from Debt Coalition, Sanlakas, Courage at grupong Bayan na hindi pa napapanahon na magtaas ng singil sa tubig ang Maynilad Waters dahil katatapos lamang nitong magtaas ng singil noong nakaraang buwan ng Abril na umaabot sa 30 sentimos kada cubic meter.

Hindi pa rin umano nagaganap ang pangako ng kompanya noon na kaya itinaas ang singil sa tubig ay upang madaluyan ng suplay ang mahihirap at malalayong lugar at magkaroon ng sapat at malinis na tubig ang mga consumers.

Dinahilan din ng naturang grupo na labag sa kontrata ng Maynilad na makapagtaas ulit ito ng singil sa tubig.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Maynilad Waters Inc. President Rafael Alunan na ang planong increase sa singil sa tubig ay isang paraan upang mapunan ang pangangailangan sa pondo na gagamitin sa pagpapahusay sa serbisyo ng kompanya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ABRIL

ANGIE

BAYAN

CRUZ

DEBT COALITION

DINAHILAN

IKINATWIRAN

MAYNILAD WATERS

MAYNILAD WATERS INC

PRESIDENT RAFAEL ALUNAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with