Nabunyag ang anomalya sa bilangguan makaraang magsagawa ng sopresang pag-inspeksyon si Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Officer-in-Charge, Chief Supt. Arturo Alit at natuklasan ang pagkakaroon ng pitong aircon sa selda 2, 9,10 at 11.
May basbas umano si Dipantar sa paglalagay ng mga aircon sa selda ng mga big time drug lord habang mistulang basang sisiw naman ang ibang maliliit na mga preso sa kanilang selda sa sobrang init.
Sa pahayag ng ilang preso, kanilang kinokondena si Dipantar dahil sa pagkakaroon nito ng diskriminasyon sa loob at tahasang niloloko pa nito ang gobyerno sa pagbabayad ng kuryenteng nakokunsumo ng mga aircon na selda.
Kabilang sa nabiyayaan ng VIP treatment ay sina Julio Bong Disierto, 47, mayores ng Batang City Jail na nahaharap sa kasong murder at Peter Co na kilalang drug lord na umano ay patuloy ang transaksiyon sa pamamagitan ng paggamit ng cellular phone.
Kaya sa pangyayaring ito ay kinumpiska ng pamunuan ng BJMP ang pitong aircon at mga cellphone.
Tiniyak naman ni Alit na masisibak si Dipantar sa kanyang puwesto sa oras na may kinalaman ito sa pagbibigay ng VIP treatment sa mga bilanggo ng apat na seldang may aircon. (Ulat ni Andi Garcia)