^

Metro

LPG sumabog: 9 sugatan

-
Siyam katao ang sugatan makaraang sumabog ang isang Liquified Petroleum Gas (LPG) sa loob ng isang coffee shop sa Makati City kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Susana Hernandez, 39; Teresita Hernandez, 42; Zenaida Hernandez, 48; Andrei Abrenica, 36, security guard; Janet Leyva, 19; Alfred Wolf, 15; Evangeline Wolf, nasa hustong gulang; Lourdes Jecha, 53; at Ariel Tiamson, 35, pawang ginagamot sa Makati Medical Center.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Jovenal Barbosa ng Homicide Section, Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-4:33 ng hapon kahapon sa Makati coffee shop na matatagpuan sa West Drive panulukan ng Rizal Drive, Makati Commercial Center ng lungsod na ito.

Nabatid na sumabog ang isang LPG tank mula sa lutuan ng nabanggit na coffee shop.

Nagtamo ng pagkasunog sa balat ang mga biktima at ilan dito ang sugatan buhat sa tumilamsik na mga bubog ng nabasag na salamin ng coffee shop. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALFRED WOLF

ANDREI ABRENICA

ARIEL TIAMSON

EVANGELINE WOLF

HOMICIDE SECTION

JANET LEYVA

JOVENAL BARBOSA

LIQUIFIED PETROLEUM GAS

LORDETH BONILLA

LOURDES JECHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with