^

Metro

3 pang miyembro ng KFR group nasakote

-
Tatlo pang kidnappers na responsable sa apat na kaso ng kidnapping sa Metro Manila at Bulacan kabilang dito ang pagdukot sa Singaporean at Hong Kong national ang naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa, kamakalawa.

Sa ginanap na press conference kahapon sa Camp Crame, iniharap ni Deputy Director General Hermogenes Ebdane Jr., deputy chief for administration ng PNP ang nakilalang mga nadakip na suspect na sina Renato Abueva, alyas Adel/Nato; Arnold Ramirez, alyas Ariel at Rolando Velasco.

Ang mga nabanggit ay sinasabing miyembro ng Joel Medrano Kidnap-for-Ransom Group.

Ang tatlo ay nadakip sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa sa Letre Malabon at Plaridel, Bulacan.

Binanggit pa ni Ebdane na ang mga suspect ay nasakote matapos ikanta ng kanilang mga naarestong kasamahan.

Ang Joel Medrano Group ay responsable sa pagdukot kay Miguel Siscar noong nakaraang Hunyo 5 sa Plaridel, Bulacan; pagdukot kay Josielyn Tan Cabrera noong Mayo 11 sa Guiguinto, Bulacan; pagdukot sa Singaporean national na si Benedict Leong at Hongkong national na si Judy Chan sa Juan, Luna, Tondo, Manila noong Abril 26 at ang pagdukot kay Marco Sia sa Sta Maria, Bulacan nitong nakalipas na Marso 14. (Ulat ni Joy Cantos)

ANG JOEL MEDRANO GROUP

ARNOLD RAMIREZ

BENEDICT LEONG

BULACAN

CAMP CRAME

DEPUTY DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE JR.

HONG KONG

JOEL MEDRANO KIDNAP

JOSIELYN TAN CABRERA

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with