^

Metro

Bitay sa nanloob at pumaslang sa isang 76 anyos na lola

-
Pinatawan kahapon ng parusang kamatayan ng Quezon City Regional Trial Court ang isang lalaki na napatunayang sangkot sa pagnanakaw at pagpaslang sa isang 76-anyos na lola noong nakalipas na 1999 sa Quezon City.

Sa 15 pahinang desisyon ni QC RTC Judge Jaime Salazar ng branch 103, pinagbabayad din ng korte ang akusadong nakilalang si Alfredo Ramos, ng Villa Sabina Subdivision, Talipapa, Novaliches ng halagang P255,000 bilang danyos sa mga naulila ng biktimang si lola Melissa Montelana, kapitbahay ng akusado.

Samantala, napawalang sala naman ang isang Arnold Clemente, kasamahan ni Ramos sa krimen dahil sa kakulangan ng ebidensiyang magdidiin dito sa kaso.

Batay sa rekord ng korte, naganap ang insidente noong nakalipas na Hunyo 10,1999 nang pasukin ng grupo ni Ramos ang bahay ng biktima. Matapos makulimbat ang mahahalagang bagay sa bahay nito ay nakuha pang patayin ng mga suspect ang matanda sa pamamagitan nang pagpalo sa ulo at katawan nito ng matigas na bagay. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ALFREDO RAMOS

ANGIE

ARNOLD CLEMENTE

BATAY

JUDGE JAIME SALAZAR

MELISSA MONTELANA

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RAMOS

VILLA SABINA SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with