Tensyon naghari sa paaralan, dahil sa bomb threat
July 17, 2001 | 12:00am
Naghari ang tensyon sa isang pampublikong paaralan matapos na sunduin ng mga magulang ang kani-kanilang mga anak habang nasa kalagitnaan ng klase matapos na makatanggap ng bomb threat sa nasabing paaralan, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Napag-alaman na alas-8 pa lamang ng umaga nang maglusuban sa Amparo High School na matatagpuan sa Amparo Subdivision ng nabanggit na lungsod ang mga magulang ng mga mag-aaral para sunduin ang kanilang mga anak.
Nabatid na isang hindi nagpakilalang caller ang tumawag sa principals office upang sabihin na may ibinaon silang bomba sa nasabing paaralan.
Nakarating sa kaalaman ng mga magulang ang banta kaya agad nilang sinundo ang kanilang mga anak.
Nagsagawa rin ng pagsisiyasat ang mga awtoridad subalit wala namang nakitang anumang bomba. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended