^

Metro

Babaeng Ruso na 'cultural dancers' pinigil

-
Pinigil ng mga kagawad ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na makapasok ng bansa ang dalawang babaeng Russian national na pinaghihinalaang mga prostitutes at isang Chinese national na hinihinalang kanilang recruiter.

Ang dalawang Russian national ay nakilalang sina Veranika Sekizhynskaya,19, may hawak na passport no.BM0252258, Yuliya Tamashova, 25, may passport no.BM0457030 at Shu Ming Liao, 42, Chinese national na may passport no. MI6066264.

Ayon kay Rudy David, BI Intelligence Officer, ang tatlo ay dumating sa bansa sakay ng China Airlines flight CI-631 buhat sa Taipei, Taiwan bandang alas 12:30 ng hapon.

Sa pahayag ni Liao sa BI na isa siyang manager ng club at ang dalawang banyaga na kanyang kasama ay namamasukan sa kanya bilang mga ‘cultural dancers’ at isang linggo lang itong mamamalagi sa bansa bilang mga turista.

Hindi naging kapanipaniwala sa mga awtoridad ang deklarasyon ng tatlo kaya’t agarang pinabalik ang mga ito sa kanilang pinanggalingan.

Sinabi pa ni David na maaaring recruiter si Liao ng mga Russians prostitutes at nagpunta sa bansa para ibenta ang mga alaga nito sa kapwa niya Intsik. (Ulat ni Butch Quejada)

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CHINA AIRLINES

INTELLIGENCE OFFICER

LIAO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

RUDY DAVID

SHU MING LIAO

VERANIKA SEKIZHYNSKAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with