Abogado hindi nagbayad ng chit, ginulpi
July 16, 2001 | 12:00am
Bukol at pasa ang tinamo ng isang abugado matapos itong pagtulungang gulpihin ng tatlong waiter dahil umano sa hindi nito pagbabayad ng kanyang chit kamakalawa ng hapon sa Mandaluyong City.
Ang biktima ay nakilalang si Atty. Cesar Roldan, 56, may-asawa, nakatalaga sa Mandaluyong City Regional Trial Court, Branch 59 at residente ng P. Oliveros St., Bgy. Barangka.
Samantala ang mga suspek ay nakilalang sina Albert Olquino, 20; Christian Labarte,18 at Ivan Fuentes, 21 pawang mga waiter ng Lovenest beerhouse na matatagpuan sa kahabaan ng Boni Avenue.
Sa pagsisiyasat ng pulisya na dakong alas 5:00 ng hapon at umorder ng alak at pulutan ang biktima na umabot sa halagang P1,500 at nang sisingilin ito ay tumangging magbayad.
Nauwi sa mainitang pagtatalo ang paniningil ng tatlong waiter kaya napilitan silang gulpihin ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended