^

Metro

Ayaw ibigay ang cellphone, binaril ng holdaper

-
Isang lalaki ang nasa kritikal na kondisyon matapos na ito ay barilin ng dalawang holdaper na nagalit dahil sa ayaw ibigay ng una ang cellphone nito sa naganap na holdapan sa isang pampasaherong jeep kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala sa likod at ginagamot sa East Avenue Medical Center ay nakilalang si Jason Garcia, 21, may-asawa at residente ng Gold St.,Talanay 1, Batasan Hills ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat ni PO2 Bernard Domingo,may hawak ng kaso na bandang alas- 3:00 ng madaling araw habang pauwi na ang biktima lulan ng isang pampasaherong jeep nang biglang magpahayag ng holdap ang dalawang hindi nakilalang lalaki pagdating sa kanto ng Quezon Avenue at BIR Road.

Isa sa mga suspek na armado ng baril ang pilit na kinukuha ang bagong Nokia 3210 ng biktima pero tumangging ibigay niya ito sa halip ay nanlaban pa.

Kaya pinagtulungan ang biktima ng dalawang holdaper hanggang sa nahulog ang mga ito sa tumatakbong jeep hanggang sa bigla na lamang binaril si Garcia ng mga holdaper bago tinangay ang kanyang cellphone.

Isinugod ang biktima ng mga nakasaksi sa pangyayari sa nabanggit na pagamutan habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

BATASAN HILLS

BERNARD DOMINGO

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GARCIA

GOLD ST.

JASON GARCIA

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with