21 PNP Colonel na-promote sa pagka-Heneral

Dalawamput-isang police colonel sa pangunguna ng kontrobersiyal na si Senior Superintendent Reynaldo Berroya ang nakatakdang mabiyayaan ng promosyon o mataas na ranggong one- star general sa hanay ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa pamunuan ng PNP, anumang araw sa darating na linggo ay nakatakda ng ihayag ni Pangulong Macapagal-Arroyo ang promosyon para sa 21 opisyal na may mga ranggong Senior Superintendents.

Kabilang sa mga opisyal na inaasahang mabibiyayaan ng promosyon ay sina Senior Superintendents Berroya, ng Class ’69, Arturo Lomibao, Class ’72, Reynaldo Varilla, Class ’74, Rodolfo Tor, Class ’72, Dorotheo Reyes, Class ’73, Antonio Billones, Class ’73 at Oscar Calderon, Class ’73.

Vidal Quirol, Class ’73, Jose Gutierrez, Class ‘73, Nicolas Pacinos Jr, Class ’74, Alfredo de Vera Jr, Class ’72, Prospero Noble, Class ’74, Eduardo Matillano, Class ’71, at Rosallo Magsino, Class ’73.

Ang mga direct commissioned officer o non-PMAers naman na makakasama sa promosyon ay sina Senior Superintendents Edmundo Dizon, Alberto Astudillo, Rogelio Batham, Nardito Yoro, Akmad Omar, Librado Matibag at Cesar Pagtakhan.

Ang promosyon ng 21 PNP colonels ay base sa rekomendasyon ni PNP chief Director General Leandro Mendoza kay Pangulong Arroyo. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments