^

Metro

Nakumpiskang smuggled goods dapat sunugin na lamang-Solon

-
Upang matigil na ang pagpasok ng mga smuggled goods o kontrabando sa bansa, susunugin na lamang at hindi na ibebenta ang mga ito.

Ayon sa panukalang batas na inihain ni Biliran Rep. Gerardo Espina, pinagmumulan lamang ng matinding katiwalian ang ginagawang public auction o pagbebenta sa mga nakukumpiskang mga kontrabando kaya mas mabuti pang sunugin na lamang ang mga ito kaysa sa pakinabangan.

Kilala umano ang Bureau of Customs sa pagkakaroon ng matinding katiwalian at kalimitan ay nagkakaroon lamang ng sabwatan sa pagitan ng ilang opisyal at negosyante kapag nagkakaroon na ng public auction.

Lumalala umano ang pagnanakaw sa gobyerno dahil sa napakaraming oportunidad kagaya ng mga ipinagbibiling smuggled goods.

Kung susunugin umano ang pinagmumulan ng katiwalian ay siguradong magdadalawang isip ang mga negosyante na magpasok sa bansa ng kahit anong kontrabando.

Sa sandaling maisabatas, ang sinumang tao o opisyal ng Bureau of Customs na lalabag dito ay paparusahan ng pagkakulong na hindi bababa sa isang taon subalit hindi naman lalampas sa anim na taon, o multa na hindi bababa sa P10,000 subalit hindi naman tataas sa P100,000.

Ang Secretary of Finance ang aatasang magbigay ng kinakailangang alituntunin upang maipatupad ang panukala. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ANG SECRETARY OF FINANCE

AYON

BILIRAN REP

BUREAU OF CUSTOMS

GERARDO ESPINA

KILALA

LUMALALA

MALOU RONGALERIOS

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with