10 taon kulong sa ginang na 2 ulit nagpakasal
July 15, 2001 | 12:00am
Hinatulan ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) ng sampung taong pagkabilanggo ang isang ginang makaraang mapatunayan na nagkasala sa kasong bigamya na isinampa laban sa kanya noong nakaraang taon.
Batay sa 16-pahinang desisyon ni Pasay RTC Judge Henrick Gingoyon ng Branch 117, ang akusadong si Victoria Soriano Jarillo, 46, ay napatunayang nagkasala sa isinampang kasong bigamya ng kanyang anak sa pangalawang asawa.
Sa testimonya ni Karl Uy, 22, estudyante, isa sa limang anak ng akusado kay Emmanuel Ebora Uy, 52, nadiskubre niya nito lamang Enero 12, 1999 na ang kanyang ina ay unang nagpakasal sa isang nagngangalang Rafael M. Alocillo noong Mayo 24, 1974 sa bayan ng Taguig at muli nilang inulit sa simbahan ng San Carlos, Pangasinan noong Mayo 4, 1975.
Nagawang ilihim ng akusado ang pagpapakasal at naging anak sa unang asawa. Sa panahon ng kanilang pagsasama si Jarillo at Alocillo ay nagkahiwalay bunga ng mga bagay na hindi mapagkasunduan.
Sa kanilang paghihiwalay, itinuloy ni Jarillo ang kanyang pag-aaral sa lungsod ng Pasay at naging kasintahan nito si Uy at nagpasyang magpakasal sa ikalawang pagkakataon noong Nobyembre 26, 1979 sa isang huwes sa Pasay City.
Ibinasura naman ng korte ang depensa ni Jarillo na nagpakasal rin umano si Alocillo sa Estados Unidos kaya naging basehan niya ito para muling magpakasal.
Hindi naman ito nakapagpakita ng ebidensiya ng pagpapakasal ng kanyang unang asawa upang patawan din ito ng kaparusahan ng korte. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended