^

Metro

Kay Edgar ang bangkay, giit ng kapatid

-
Nagtungo kahapon ang isang grupo ng National Bureau of Investigation sa pangunguna ni Director Reynaldo Wycoco sa Bacolor, Pampanga kasama ang kapatid ng nawawalang si Edgar na humihiling sa mga awtoridad na hukayin ang exhume ng bangkay na natagpuan at suriin sa pamamagitan ng forensic test upang matiyak kung ang nasabing bangkay ay hindi ang nawawalang si Edgar.

Ayon kay Edcel Bentain, kapatid ng nawawalang si Edgar na malakas ang kanyang kutob na ito nga ang bangkay ng kanyang kapatid bagamat hindi niya tiyak ang kulay ng suot nitong pantalon dahil hindi siya kasama nang maganap ang pagdukot.

Ipinahayag pa ni Edcel na sakaling mahukay at matiyak na ang nahukay na bangkay ay sa kanyang kapatid ay magsasampa agad ito ng kaso laban sa mga opisyal ng PAOCTF na umano’y sinasabi ng umano’y dating civilian agent na si Angelo Mawanay alias Ador.

Una nang kinumpirma ng NBI na bangkay ng isang epileptic at hindi kay Edgar ang bangkay na natagpuan sa loob ng drum sa Lubao, Pampanga noong nakalipas na Martes.

Ang naturang bangkay ay nahukay ng mga tauhan ng Velasquez Funeral Homes na may layong 10 hanggang 15 kilometro mula sa Cabitakan, Bacolor na siyang itinuro ni Ador na pinaglibingan kay Bentain. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

ANGELO MAWANAY

AYON

BACOLOR

BANGKAY

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

EDCEL BENTAIN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PAMPANGA

VELASQUEZ FUNERAL HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with