Mekaniko hulog sa gilingan ng semento, patay
July 12, 2001 | 12:00am
Basag ang bungo at lasug-lasog ang katawan hanggang sa nasawi ang isang 35-anyos na mekaniko makaraang mahulog sa tangke na gilingan ng semento sa ginagawang Global City sa bayan ng Taguig, kahapon ng umaga.
Kinilala ni SPO3 Alain Sugua ng Criminal Investigation Division (CID) ng Taguig Police Station ang biktima na si Rene Ramirez, tubong San Pedro Sta. Elena, Camarines Norte at stay-in mechanic sa MDC-Unicom Compound, Global City ng nasabing bayan.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:40 ng umaga ng maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.
Nabatid na nililinis ng biktima ang cement tank na yari sa bakal na may taas na 20 hanggang 25 talampakan na dito hinahalo ang semento.
Habang winawalis nito ang dumi sa ibabaw ay bigla na lamang itong nadulas na dahilan ng kanyang pagkahulog. Basag ang bungo at nagkalasug-lasog ang katawan nito.
Mabilis itong isinugod sa Fort Bonifacio General Hospital subalit hindi na umabot pang buhay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended