^

Metro

Vietnamese teen-ager nahulog buhat sa 3rd floor ng CG building, patay

-
Isang Vietnamese teenager na humihiling ng refugee status sa Pilipinas ang iniulat na nasawi matapos mahulog buhat sa ikatlong palapag ng gusali ng Coast Guard sa Binondo, Manila, kamakalawa.

Nakilala ang nasawing dayuhan na si Pham Minh Le, 15, ay sinasabing nawalan ng balanse at nahulog buhat sa ikatlong palapag ng gusali na may taas na 13 metro, ayon sa ulat ng pulisya.

Siya ay nasawi noong Lunes ng gabi sa Ospital ng Maynila, sinabi ni Coast Guard headquarters Chief of Staff Danny Abinoja.

Si Le kasama ang 14 pang Vietnamese ay naghihintay ng deportation pabalik sa kanilang bansa makaraang tanggihan ng Department of Foreign Affairs ang kanilang apela noong nakalipas na linggo para sa refugee status.

Ang mga refugee ay nasakote habang lulan ng isang Vietnamese junk malapit sa Corregidor island noong nakalipas na Abril 6, ng taong kasalukuyan.

Ang naturang kaso ay itinurn-over sa Bureau of Immigration.

Pansamantalang dinitene sa Coast Guard headquarters ang mga refugee habang hinihintay ang desisyon kung dapat silang manatili sa bansa.

Sa naganap na pagkamatay ni Le isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng mga awtoridad para alamin kung ito ay sadyang inihulog o kaso ng suicide. (Ulat ni Grace Amargo)

ABRIL

BINONDO

BUREAU OF IMMIGRATION

CHIEF OF STAFF DANNY ABINOJA

COAST GUARD

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GRACE AMARGO

ISANG VIETNAMESE

PHAM MINH LE

SI LE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with