^

Metro

Bagets na rapist lusot sa bitay

-
Dahil sa pagiging menor-de-edad isang 16-anyos na bagets na ipinagharap ng kasong rape ang nakaligtas sa parusang kamatayan at nahatulan ng parusang 17-taong pagkabilanggo makaraang gahasain ang isang grade V pupil noong 1999 sa Makati City.

Sa 11-pahinang desisyon ni Makati City Regional Trial Court Judge Ricardo Rosario, ang hinatulan ay nakilalang si Jay-Ar Bartolome, ng PRC Compound, Barangay Carmona ng lungsod na ito.

Base sa rekord ng korte, naganap ang krimen noong Pebrero 2, 1999 habang ang biktima na itinago sa pangalang Minnie, 13, grade V pupil ay natutulog sa kanilang bahay kasama ang 14-anyos na pinsan nang halayin ng suspect.

Sa kabila nang pagtanggi ng akusado sa naturang krimen hindi ito pinaniwalaan ng korte.

Bukod sa 17-taong pagkabilanggo, pinagbabayad din ng hukuman si Bartolome ng halagang P50,000 bilang danyos perwisyo sa biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BARANGAY CARMONA

BARTOLOME

BUKOD

DAHIL

JAY-AR BARTOLOME

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE RICARDO ROSARIO

PEBRERO

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with