^

Metro

Japanese restaurant nilooban; P.4M natangay

-
Tinitingnan ang anggulong inside job hinggil sa naganap na nakawan sa isang Japanese restaurant, matapos tangayin ng hindi kilalang mga armadong kalalakihan ang tinatayang P.4 milyong cash na naganap sa Makati City, kahapon ng umaga.

Ayon kay Inspector Tito Lauriano,hepe ng Makati City Police Station 5, hinihinala nilang may kinalaman ang cook ng Riken restaurant na nakilalang si Michael Caranto, 35, hinggil sa naganap na panloloob ng tatlong kalalakihan kahapon sa nabanggit na Japanese restaurant.

Sa isinagawang imbestigasyon, pinasok ng tatlong armadong kalalakihan ang naturang restaurant dakong alas-10:30 ng umaga na matatagpuan sa panulukan ng Camagong at Lawayan Sts., sa Brgy. San Antonio Village, Makati City.

Mabilis na nakapasok ang tatlo dahil bukas rin ang pinto ng accounting office, ayon pa sa mga imbestigador.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya si Caranto dahil nagtataka ang mga kasamahan nito kung bakit ito pumasok kahapon samantalang day-off ito.

Inutusan pa umano ni Caranto ang cook helper na si Benjamin Pictado , 27, na huwag isara ang pinto sa likod ng restaurant dahil may darating pang delivery.

Tinatayang aabot sa P.4 milyong cash ang nakulimbat ng mga suspect sa accounting office na nakatakda sanang ideposito kahapon bago naganap ang panloloob. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

BENJAMIN PICTADO

CARANTO

INSPECTOR TITO LAURIANO

LAWAYAN STS

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE STATION

MICHAEL CARANTO

SAN ANTONIO VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with