Binata kinuyog, todas
July 9, 2001 | 12:00am
Nasawi ang isang 23-anyos na binata, matapos umano itong pagtulungang gulpihin, hatawin ng matigas na bagay at saksakin sa ibat ibang bahagi ng katawan ng walong kalalakihan na pawang magkakaibigan sa isang rambol na naganap kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.
Hindi na umabot pang buhay sa Olivarez Hospital ang biktima na si Henson Reyes, ng Block 4, Barangay Moonwalk sa nasabing lungsod.
Samantala, ang magkakaibigang suspek ay nakilalang sina Frederick Laurete, 22, binata; Jimpol Oliva, 26, kapwa nakatira sa no. 3808 Nazario St., Barangay Pinagkaisahan, Makati City; Dennis Matis, 21, ng no. 314 Eran St. ng nabanggit na Barangay; Joel Matis, 26, binata, taga Sitio Batasin, Block 38, Taytay, Rizal; Buenaventura Monterve, 30, may asawa, ng Bagong Silang, Caloocan City; Vincent Roque, 23, binata, ng Block 33, Lot 16, Phase 2, Canlubang, Laguna; Dindo Sarino, 31, binata at Joelito Sarino, 29, binata, kapwa nakatira sa no. 22 Saturn St., Brickstown, Barangay Moonwalk ng nabanggit na lungsod.
Ang mga suspek ay nakakulong sa Parañaque City Police Detention Cell matapos na madakip ng mga kagawad ng Police Community Precint 3 sa pangunguna ni SPO4 Dominador Bartolazo.
Base sa imbestigasyon ni SPO1 Raden Amora, ng Criminal Investigation Division (CID), naganap ang insidente dakong alas-12:00 ng madaling araw sa Barangay Moonwalk ng lungsod na ito.
Ang walong suspek ay magkakaanak at magkakaibigan na tubong Leyte, dayo lamang sila sa nabanggit na lugar.
Dumayo ang mga ito sa bahay ng magkapatid na Joelito at Dindo Sarino sa Saturn St., ng nabanggit na Barangay para sa isang kasiyahan.
Bumili umano ng beer ang mga suspek sa isang tindahan at naka-enkwentro nila ang grupo ng biktimang si Reyes hanggang sa magkainitan ang mga ito nang magkakursunadahan.
Nauwi sa rambol ang naganap na pagtatalo ng grupo ng biktima at ng mga suspek hanggang sa pagtulungan umanong gulpihin, hatawin ng matigas na bagay at saksakin si Reyes. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended