^

Metro

Testigo sa krimen pinatay

-
Upang hindi makapagtestigo sa krimeng nasaksihan, isang 29-anyos na lalaki ang binaril sa ulo hanggang sa mapatay ng dalawang salarin habang ang una ay nasa isang restaurant kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.

Nasawi noon din ang biktima na si Michael Abian, tubong Butuan City, nakatira sa St., Dominic St., Savio Compound Better Living, Barangay Don Bosco ng lungsod ng ito bunga ng tinamo nitong tama ng bala sa ulo buhat sa isang kalibre .45 pistol.

Samantala, ang mga suspek ay nakilalang sina Feliciano Acosta isang guardiya at isang alias Andy na kaagad na nagsitakas matapos isagawa ang pamamaslang.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Raden Amora, ng Criminal Investigation Division (CID), Parañaque City police, naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng madaling araw sa Bariatos Restaurant na matatagpuan sa no. 11-A Doña Sole-dad Avenue, Better Living, Barangay Don Bosco.

Nabatid na kumakain ang biktima kasama ang isang kaibigan na nakilala sa pangalang Jose Nagayo, 24 nang biglang salakayin ng mga suspek. Walang sabi-sabing binaril sa ulo ang biktima na agad nitong ikinasawi.

Ang biktima ay nakasaksi ng isang patayan at may hinala sila na may kaugnayan ito sa pagpaslang dito.

Ipinalalagay na upang hindi makapagtestigo ang biktima sa krimeng nasaksihan nito ay pinatay na lamang ito ng mga suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

A DO

BARANGAY DON BOSCO

BARIATOS RESTAURANT

BETTER LIVING

BUTUAN CITY

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DOMINIC ST.

FELICIANO ACOSTA

ISANG

JOSE NAGAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with