Gumanap na fire marshall nasawi sa fire drill
July 7, 2001 | 12:00am
Naging makatotohanan ang isinagawang fire drill sa Department of Justice (DOJ) nang ang isa sa gumanap na fire marshall ay idineklarang dead-on-arrival ng Philippine General Hospital dakong alas-3:00 ng hapon, kahapon.
Ang biktima na nakilalang si Virgilio Rivera, 51, nakatalaga sa service motor pool bilang supervisor at 23 taon nang nagseserbisyo sa DOJ, ay hindi na umabot pa ng buhay sa nasabing ospital.
Bagamat wala pang masabing dahilan si Dr. April Llaneza sa tunay na dahilan ng kanyang agad na kamatayan, sinabi ng public Information Office ng DOJ na hindi umano physically fit ang naturang biktima upang gumanap sa naturang drill.
Ayon pa kay Mr. Rolly Francia, media coordinator ng DOJ, ang naturang aktibidades ay bilang pagsunod sa National Disaster Preparedness Week.
Nabatid na habang isinasagawa ang fire drill, sa gitna ng napakakapal na usok na puno ng umanoy baygon spray na ginagamit sa fumigation ng dengue mosquito, biglang nag-collapse na lamang sa ilalim ng hagdanan na matatagpuan sa unang palapag ng main building ng DOJ.
Sa tindi ng bagsak ay tumama ang ulo ng biktima kung saan pumutok pa ang noo nito at kumalat ang dugo sa semento. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended