10 anyos nene ni-rape, pinatay
July 5, 2001 | 12:00am
Isang 10-anyos na batang babae ang iniulat na ginahasa muna bago pinaslang sa pamamagitan ng pagsakal at paghataw ng matigas na bagay sa mukha ng isang adik, kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Nakilala ang nasawing biktima na si Maricel Albero, grade 1 pupil sa F. Benitez Elementary School at naninirahan sa Panama St., Brgy. Sta Cruz ng nabanggit na lungsod.
Samantala, agad namang nadakip ang rapist na nakilalang si Jo Ivan Lucero, 18, isang tricycle driver at kilalang adik sa naturang lugar. Ang suspect ay kasalukuyang nakapiit sa Makati City Police Detention Cell.
Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Reynaldo Juan, naganap ang krimen sa kahabaan ng Vito Cruz Extension sa Brgy. La Paz, Makati City.
Dakong alas-8 ng gabi ay napag-alamang naglalaro ang biktima sa nabanggit na lugar kasama ang iba pang bata.
Makalipas pa ang ilang oras ay hindi pa ito nakauwi sa kanilang bahay dahilan upang hanapin ito ng nakatatandang kapatid na si Marites, 13.
Para agad na mapagtakpan ang ginawang krimen nilapitan ng suspect si Marites at sinabing nakita niya ang kapatid nito na may kasamang dalawang kalalakihan.
Sa ganoong pagkakataon ay may napadaang dalawang pulis at narinig ang pag-uusap ng dalawa. Hindi na umano nakaalis pa ang suspect at nagprisinta pa ito na sasamahan niya ang mga pulis sa bakanteng lote na pinagkakitaan niya sa biktima kasama ang dalawang lalaki.
Dahil dito, nagduda ang mga pulis sa sinasabi at ikinikilos ni Lucero.
Dakong alas-10:25 kamakalawa ng gabi nang puntahan ang nasabing lugar at doon natagpuan ang walang saplot na bangkay ng bata na sinakal ng straw at wasak ang kalahating bahagi ng mukha nito na hinihinalang hinataw ng matigas na bagay.
Inaresto si Lucero matapos ituro ng ilang batang kalaro ng biktima na ang huling kasama ni Maricel bago ito mawala ay si Lucero.
Napag-alaman sa rekord ng Makati City police na si Lucero ay nasangkot na sa kasong panghahalay noong 1999 at noon lamang nakalipas na buwan.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended