^

Metro

HDO vs 'utak' sa Bacalla kidnap/slay

-
Nagpalabas na kahapon ng Hold Departure Order (HDO) ang Department of Justice (DOJ) laban kay Onofre Surat, ang pangunahing suspect sa pagdukot at pagpatay sa anak ng isang judge ng Quezon City Regional Trial Court na nakatakas noong Biyernes ng gabi habang nagpapagamot sa East Ave. Medical center (EAMC).

Ayon kay Justice Secretary Hernando Perez, layon ng HDO na pigilan si Surat na makalabas ng bansa upang tuluyang makatakas sa kinakaharap nitong kidnapping with murder.

Si Surat ay isang US citizen at siyang may-ari ng Club Bar and Restaurant (CBR) sa Novaliches , Quezon City na umano’y pinagdausan ng umano’y birthday party na dinaluhan ng biktimang si Mark Bacalla noong gabi ng Mayo 17 ng taong ito.

Kasunod nito, inihayag naman ni Perez na may tinanggap na siyang tawag mula sa isang malapit kay Surat na nagsabing nais na ng suspect na sumuko. (Ulat ni Grace Amargo)

CLUB BAR AND RESTAURANT

DEPARTMENT OF JUSTICE

EAST AVE

GRACE AMARGO

HOLD DEPARTURE ORDER

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

MARK BACALLA

ONOFRE SURAT

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

SI SURAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with