^

Metro

PAF anniversary mistulang komedya

-
Nagmistulang komedya ang ginanap na passing review/trooping the line sa pagdiriwang ng ika-54 na anibersaryo ng Philippine Air Force na ginanap sa 250th Presidential Airlift Wing Hangar sa Villamor Air Base sa Pasay City, kahapon.

Nabatid na habang lulan ng Vintage Weapons Carrier o mas kilala sa tawag na ‘Carabao Jeep’ ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kasama sina PAF chief, Lt. Gen. Benjamin Defensor Jr. at ang Battalion Commander ay biglang pumalya ang nasabing sasakyan.

Nabatid na pumugak ang makina ng jeep at ilang beses din halos mapasubsob ang mga lulan nito.

Napag-alamang ang Weapons Carrier jeepney na ginagamit ng PAF ay namana pa ng Pilipinas sa Estados Unidos noong 1956, kung saan ay kinukumpuni lamang ito para magmukhang bago at magamit sa mga okasyong kailangan ang parada.

Nagkaroon din ng parachute exhibitions sa nasabing pagdiriwang. Isang parachuter ang kamuntik nang humampas sa perimeter fence ng Villamor sa kanyang pagbaba.

Ang isa pang parachuter ay napasubsob at napagulong sa kanyang pagbagsak sa lupa.

Kaugnay sa nasabing pagdiriwang nagbigay din ang Pangulong Arroyo ng mga award sa mga tauhan ng PAF.

Sa kabila ng ilang mga nakakatawang pangyayari, naging matagumpay pa rin ang isinagawang pagdiriwang na may temang " Your first force: Rising to every challenge whenever.... whenever". (Ulat ni Butch Quejada)

BATTALION COMMANDER

BENJAMIN DEFENSOR JR.

BUTCH QUEJADA

CARABAO JEEP

ESTADOS UNIDOS

NABATID

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PASAY CITY

PHILIPPINE AIR FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with