^

Metro

Warden, 2 jailguards sinibak dahil sa pagpuga ng utak sa Bacalla murder

-
Sinibak kahapon ni BJMP director Arturo Alit ang warden at dalawang jailguards sa Quezon City Jail makaraang makatakas sa kanyang mga escort kamakailan ang sinasabing utak sa Mark Bacalla kidnap-slay habang patungo sa East Avenue Medical Center sa nabanggit na lungsod.

Ang mga sinibak ay nakilalang sina Chief Inspector Alberto Ramos, QC jail warden at ang dalawang jailguards na sina JO2 Roderick Sibuna at JO2 Luisito Torres.

Nakatakas umano nitong nakaraang Biyernes sa pagitan ng ala-1:30 hanggang alas-4:30 ng hapon ang pangunahing suspect sa Bacalla case na nakilalang si Onofre Surat habang magpapagamot ito sa nabanggit na ospital dahil sa dumapong karamdaman habang nakapiit sa QC jail.

Natuklasan na lamang na nakatakas ang nasabing suspect mula sa mga escorts nitong sina Torres at Sibuna.

Malaki naman ang hinala ng pamunuan ng BJMP na may kinalaman ang jail warden at dalawang jailguards sa ginawang pagtakas ng pangunahing suspect sa naturang kaso.

Itinalaga naman ni Alit bilang officer-in-charge sa naturang QC jail si BJMP Assistant Regional Director sa NCR na si Supt. Primitivo Benitez. (Ulat ni Rudy Andal)

ARTURO ALIT

ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR

CHIEF INSPECTOR ALBERTO RAMOS

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

LUISITO TORRES

MARK BACALLA

ONOFRE SURAT

PRIMITIVO BENITEZ

QUEZON CITY JAIL

RODERICK SIBUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with