^

Metro

Driver dinedo dahil sa partihan

-
Dahilan sa pagdadayaan sa partehan ng umano’y kanilang nakulimbat sa sugal, pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang driver ang kanyang sariling kaibigan kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Bernardino Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Jiluny Ebias, 30, ng 1147 Mt. Esnog St. Nova Hills Subd., Bagumbong ng nasabing lungsod.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek at kaibigan ng biktima na si Bayani Estrella, 30-anyos ng nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ni PO3 Carmelito Silvino, dakong alas-7:30 kahapon ng umaga ng maganap ang insidente sa bahay ng biktima.

Ayon kay Silvino, bago umano maganap ang insidente, ang biktima at suspek ay galing sa isang sugalan kung saan may sabwatan ang dalawa lingid sa kaalaman ng kanilang kalaban.

Napag-alaman na ang modus operandi ng dalawa ay magkukunwaring magkalaban sa sugal subalit lingid sa kaalaman ng kanilang kalaro ay magkakampi ang mga ito at nagbibigayan ng baraha at nagsesenyasan.

Bago umano naganap ang insidente ay nanalo ang dalawa sa sugal at maghahatian na sa kanilang nakulimbat sa hindi mabatid na halaga ng salapi.

Ayon pa sa pulisya, habang nagpapartihan ang dalawa ay bigla na lamang nagtalo ang mga ito kung kanino dapat ang malaking parte.

Dahilan dito kung kayat kaagad na bumunot ng baril ang suspek at sunud-sunod na pinagbabaril ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang puliya laban sa suspek na mabilis na tumakas dala ang hindi mabatid na kalibre ng baril. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

BAYANI ESTRELLA

BERNARDINO HOSPITAL

CALOOCAN CITY

CARMELITO SILVINO

DAHILAN

GEMMA AMARGO

JILUNY EBIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with