15 katao dinakip sa jueteng

Inaresto ng pulisya ang 15 katao, matapos salakayin ang isang bolahan ng jueteng sa lungsod ng Parañaque, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Senior Inspector Dario Milagrosa Menor, hepe ng Police Community Precinct (PCP) 3 ang ilan sa mga dinakip ay sina Micahel Flores, 26; Jomar Ocampo, 28; Marvin Gonzales, 28; Orlando Imes, 27; Mario Abad, 43; Rico Marvida, 18; Darwin Martin, 23; Willy Sanchez, 18; Toto Reyes, 27, pawang nakatira sa Sitio Sto. Niño, Barangay Sa Martin de Porres ng nabanggit na lungsod at Abraham Arago, 49, may asawa, ng No. 0139 South Daang Hari, Taguig.

Nabatid na nakatanggap ng report ang Parañaque City Police na mayroon umanong bolahan ng jueteng sa nabanggit na lungsod.

Kayat nagsagawa ng pagsalakay ang pinagsanib na puwersa ng Parañaque City Police Special Operation Group, ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Daughters Compound, Sitio Sto. Niño. Barangay San Martin de Pores.

Nadakip ang 15 suspek dakong alas-7:00 kamakalawa ng gabi habang naaktuhang nagsasagawa ng bolahan ang mga ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments