Hepe ng Taguig police, sinibak agad ng bagong mayor
July 2, 2001 | 12:00am
Matapos na makaupo ang bagong halal na alkalde ng Taguig na si Sigfrido Tinga, agad na sinibak nito sa puwesto ang hepe ng pulisya na si Supt. Artemio Bermido base sa naging rekomendasyon nito kay Regional Director Romeo Peña ng National Capital Regional Police Office(NCRPO).
Si Bermido na naka-leave ay pinalitan ni Supt. Reynaldo Fernando na sinasabi namang malapit kay Tinga.
Nabatid na tinanggal si Bermido dahil sa umanoy tahasang pagsuporta at pagiging malapit nito sa kalaban ni Tinga na si dating Mayor Ricardo Papa.
Sa kabilang dako, kinuwestyon ng mga pulis sa nabanggit na bayan ang Commission on Elections kung saan napapunta ang pondo na sana ay laan sa kanila noong nakalipas na May election.
Anila, hindi umano nila natanggap ang pondong ipinamahagi ng komisyon para sa mga pulis na nagsilbi sa nakaraang halalan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest