2 mandurukot natiklo ng magtalo sa nakulimbat
July 1, 2001 | 12:00am
Kapwa nagsisihan ang dalawang mandurukot dahil kung hindi sila nagtalo sa pera na kanilang nakulimbat hindi sila maaaresto ng mga awtoridad kahapon ng umaga sa Ermita, Manila.
Ang mga naaresto ay nakilalang sina Alexander Estrada, 28 at Roberto Alcantara, mga miyembro ng Sigue-Sigue sputnik gang at kapwa residente ng Bgy. Dayap, Calauan, Laguna.
Sinabi ng pulisya na dakong alas 9:00 ng umaga ay nakasakay ang biktimang si Jerold Jamin, 25, may-asawa, staff ni Sen. Ramon Magsaysay ng Int.10 Tondo, Manila sa isang jeep na patungong Pasay City.
Pagdating ng jeep sa Lawton ay sumakay naman ang dalawang suspek at pinagitnaan ng mga ito ang biktima bago ginigitgit.
Sinita ng biktima ang mga suspek kaya napilitang bumaba ang mga ito sa Kalaw na hindi nagbabayad ng pasahe.
Pagkababa ng mga suspek ay doon lang napansin ng biktima ang kanyang pitaka na nasa kanya ng tagiliran at wala na ang P7,000 sinuweldo.
Agad namang bumaba si Alcantara at sinundan ang mga suspek na nakita niyang pinagtatalunan ang nadukot na pera.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Alcantara at tumawag ito ng pulis na ikinaaresto ng mga suspek. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended