^

Metro

Pinagbintangang nanggugulo,ginulpi at sinaksak ng mag-utol

-
Kritikal ang kalagayan ng isang 26 anyos na obrero matapos itong gulpihin at saksakin ng tatlong magkakapatid na lalaki ng pagbintangan itong nambabato at naghahamon ng away sa tuwing malalasing kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Nilalapatan ng lunas sa Muntinlupa City Medical Center ang biktima na nakilalang si Ronnie Bandilla,may-asawa, residente ng Purok 8, Joaquin Compound, Bgy. Alabang na nagtamo ng maraming pasa at tatlong saksak sa likod.

Isa sa tatlong magkakapatid ang naaresto na nakilalang si Dario Daulong, 22 habang nakatakas naman sina Dominador, Jobert na pawang residente ng nasabing lugar.

Nabatid sa pulisya na sinugod bandang alas 10:00 ng gabi ng magkakapatid ang biktima dahil ito umano ang nambabato ng kanilang bahay sa tuwing malalasing.

Hindi na nakapalag ang biktima nang siya ay pinagtulungang gulpihin at saksakin ng magkakapatid.

Isinugod ang biktima ng kanyang mga kamag-anak sa pagamutan habang si Dario lang ang naaresto ng pulisya nang puntahan ang bahay nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALABANG

BGY

DARIO

DARIO DAULONG

DOMINADOR

JOAQUIN COMPOUND

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY MEDICAL CENTER

RONNIE BANDILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with