^

Metro

Mekaniko nagulungan ng aircon bus sa ulo, todas

-
Napisak ang ulo ng isang mekaniko matapos magulungan ng aircon bus na kanyang kinukumpuni nang utusan nito ang kasamahang driver na paandarin ito kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Hindi na umabot ng buhay sa Perpetual Help Medical Center ang biktima na nakilalang si Florencio Bermijo Jr., mekaniko ng Tast Transit at residente ng Villa Cristina Subdivision, Bgy. Pamplona ng nasabing lungsod.

Nakakulong at nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek na si Petronillo Baculado Jr.,43, residente ng Virraville Executive ng nasabing lungsod.

Sa pagsisiyasat ni SPO3 Reynaldo Verdiflor ng Las Piñas City Traffic Division na ang insidente ay naganap bandang alas 7:15 ng umaga sa garahe ng Tast Transit na nasa Monique St., Villa Cristina Sub- division.

Nabatid na katatapos lang kumpunihin ni Bermijo ang ilalim ng aircon bus na may plakang PXB-363 nang tawagin nito si Baculado para subukan kung puwede na itong tumakbo.

Mabilis na umakyat ng bus si Baculado para subukang paandarin ang bus, ngunit hindi pa nakakabangon sa ilalim si Bermijo nang bigla itong umandar na naging dahilan para maipit ang kanyang ulo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BACULADO

BERMIJO

CITY TRAFFIC DIVISION

FLORENCIO BERMIJO JR.

LAS PI

LORDETH BONILLA

MONIQUE ST.

TAST TRANSIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with