^

Metro

Lalaki sinalvage

-
Isang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan ng mga residente sa isang bakanteng lote kahapon ng umaga sa Navotas.

Tinatayang nasa edad na 40-45, may taas na 5’6" hanggang 5’8", katamtaman ang laki ng katawan, may mga tattoo, nakasuot ng puting kamiseta, asul na short at nakatali ang mga kamay at paa.

Sa ulat ng pulisya dakong alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ng mga residente ang bangkay sa isang bakanteng lote sa San Rafael Village.

Ang pagkakadiskubre sa bangkay ng mga residente ay dahil sa pag-alingasaw ng baho nito na naging dahilan para hanapin ito.

Sinabi ng mga residente na kamakalawa ng gabi ay isang sasakyan ang nakita nilang nakahinto sa nasabing lugar at may itinapon na inakala nilang basura. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

BAKANTENG

GEMMA AMARGO

ISANG

NAVOTAS

RESIDENTE

SAN RAFAEL VILLAGE

SINABI

TINATAYANG

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with