Isdang huli sa dinamita nasabat
June 29, 2001 | 12:00am
Nasabat kamakalawa ng gabi ng PNP-Maritime command ang ibat-ibang klaseng mga isda na tumitimbang ng 1,629 kilo na umano ay hinuli sa pamamagitan ng "dynamite fishing at nakatakdang ipagbili sa palengke ng Malabon.
Positibo sa powder nitrate ang mga isdang nahuli matapos eksaminin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Napag-alaman na ang mga nasabing isda na nakalagay sa 36 kahon ng styrofoam at sakay sa isang Isuzu Elf (ULF-856) na minamaneho ni Rogelio Rufo ay idedeliber sa palengke ng Malabon para ipagbili sa mga naghihintay na dealer sa halagang P 26,000.
Ang mga nasabing isda ay pag-aari ng mga negosyanteng sina Oscar Nacasi, Edmund Lioa at isang alyas Cabiguen.
Isang follow-up operation ang isinasagawa ng PNP- Maritime command matapos makatanggap ng impormasyon na may dalawang barko mula sa Palawan ang nakatakdang dumaong sa Navotas na umano ay naglalaman ng mga isdang huli rin sa pamamagitan ng "dynamite fishing". (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended