Lolo natusta sa sunog; 2 grabe
June 29, 2001 | 12:00am
Isang 55 anyos na lolo na may sakit na epilepsy ang natusta sa loob ng kanyang kuwarto habang dalawa pang katao ang nagtamo ng matitinding paso sa katawan sa naganap na isang oras na sunog sa isang apartment kahapon ng madaling araw sa Pasig City.
Tustado na halos ang buong katawan ng biktimang si Serafin Magtaos ng Interior F.B. Fernando St., Bgy. Dela Paz nang marekober ito ng mga bumbero.
Isinugod naman sa Pasig City General Hospital sina Marissa Agas, boarder at Felix Buan, security guard ng apartment matapos magtamo ng 3rd degree burn sa kanilang mga katawan.
Sa ulat ng Pasig City Fire Department na sumiklab ang apoy dakong alas 12:44 ng madaling araw sa apat na pintuang apartment na pag-aari ni Rebecca Trinidad, 50.
Ayon kay Buan, una niyang nakita ang maitim na usok mula sa kisame ng katabing tindahan ng sapatos na pag-aari ni Fernando Magtaos, kapatid ng nasawi.
Dahil sa umanoy pagkataranta ni Buan, hindi na nagawa nitong ipagbigay-alam ang nagaganap na sunog dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy nang mahagip ang mga materyales at kemikal sa loob ng tindahan.
Tinangka pa umanong tulungan ni Buan na makalabas ng kuwarto ang nasawi subalit hindi na niya ito nagawa dahil sa kapal ng usok at sa pagkapaso niya sa apoy.
Isang oras ang nakalipas bago tuluyang naapula ng mga bumbero ang sunog at tinatayang kalahating milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang naabo. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am