Hindi nakuha sa pakiusap, lalaki tinadtad ng bala
June 28, 2001 | 12:00am
Tinadtad ng bala ang katawan ng isang 24-anyos na lalaki na agad nitong ikinamatay matapos barilin ng isang grupo na kalalakihan na nagalit dahil hindi ito pumayag sa kanilang pinakikiusap kamakalawa ng gabi sa Quiapo, Maynila.
Ang biktima ay nakilalang si Daud Ankan, tubong Cotabato City at pansamantalang nakatira sa Globo De Oro St., Quiapo, Maynila.
Sa pagsisiyasat ng WPD-Homicide Division na dakong alas-7:30 ng gabi nagkita ang mga suspek at biktima malapit sa Golden Mosque.
Napag-alamang nagkaroon umano ng masinsinang pag-uusap sa pagitan ng biktima at tatlong suspek na umano ay mayroong pinapakiusap sa una.
Ilang saksi ang nakakita sa pangyayari nang bigla na lamang nagalit ang tatlong suspek at binunot ng mga ito ang dalang baril bago pinaputukan ang biktima.
Kahit na may tama ang biktima ay nagawa rin nitong makabunot ng baril at pinaputukan ang isa sa mga suspek.
Dahil sa dami ng tama ng bala sa dibdib ay agad nasawi ang biktima at hinihinala na malubha ring nasugatan ang isa sa mga suspek.
Kasalukuyan ay inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng alitan ng magkabilang panig at malaki ang hinala na ito ay may kaugnayan sa droga. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest