^

Metro

Kasong "Kuratong" nina Lacson, itinigil muna

-
Pinaboran kahapon ng Court of Appeals ang naging kahilingan ni Senator elect Panfilo Lacson sa pamamagitan ng pagpapalabas ng Temporary Restraining Order na pansamantalang nagpapatigil sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa binuksang kontrobersiyal na Kuratong Baleleng rubout case.

Sa dalawang pahinang desisyon ng CA-3rd Division, inatasan ni Associate Justice Eriberto Rosario si Justice Secretary Hernando Perez at Quezon City RTC Judge Teresa Yadao ng branch 81 na ipagpaliban ang pagsasagawa ng anumang uri ng imbestigasyon sa kaso.

Pinagbawalan ng CA ang QC at Manila RTC na magpalabas ng warrant of arrest laban kay Lacson at iba pang dating opisyal ng binuwag na Presidential Anti Crime Commission (PACC) na isinasangkot sa pagpatay sa mga miyembro ng Kuratong Baleleng Group noong 1995.

Gayunman binigyan ni Justice Rosario sila Lacson ng sampung araw para magsumite ng kanilang komento ukol sa hinihiling na writ for preliminary injunction.

Magugunita na hiniling ni Lacson sa CA na magpalabas ng TRO sa binuksang kaso ng Kuratong Baleleng para mapigilan ang korte na magpalabas ng warrant of arrest. (Ulat ni Grace Amargo)

ASSOCIATE JUSTICE ERIBERTO ROSARIO

COURT OF APPEALS

GRACE AMARGO

JUDGE TERESA YADAO

JUSTICE ROSARIO

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

KURATONG BALELENG

KURATONG BALELENG GROUP

LACSON

PANFILO LACSON

PRESIDENTIAL ANTI CRIME COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with