^

Metro

10 pulis sinuspinde sa kasong Lozada slay

-
Isinailalim kahapon ng tanggapan ng Ombudsman ang 10 miyembro ng Philippine National Police- Intelligence Group sa preventive suspension, hinggil sa pagkakasangkot umano ng mga ito sa pagpatay kina Fernando Lozada at Marian Unson noong Mayo 17, 2001.

Ang pagkakasuspinde kina P/ Supt Edgar Gayas Iglesia, Chief Insp. James Buslig Mejia, Insps. Ceasar Percival, Loquio Pangda, Cristine Meris Tabdi, Preston Kising Bagangan, PO1 Frederick Tango, PO1 Jhon Suela Belatin, Arnold Teruel Solas at Cheerylyn Dangcal Tundayag ay alinsunod sa isinumiting rekomendasyon ng Ombudsman for the Military.

Sa ilalim ng batas, ang preventive suspension na ipinatupad sa 10 pulis ay mananatili hanggang sa ang kasong administratibo na isinampa laban sa kanila ay naresolbahan subalit hindi ito lalagpas sa anim na buwan.

Sinabi ni Ombudsman Aniano Desierto na kinakitaan ng matibay na ebidensya na responsable ang mga nabanggit na pulis sa pagkamatay ng dalawang nabanggit na biktima.

Sina Lozada at Unson ay pinagbabaril ng mga nabanggit na pulis matapos na mapagkamalan ang mga ito na sila ang pinaghahanap na mga kidnappers ni Mark Harry Bacalla na anak naman ng isang dating hukom sa Quezon City. (Ulat ni Grace Amargo)

ARNOLD TERUEL SOLAS

CEASAR PERCIVAL

CHEERYLYN DANGCAL TUNDAYAG

CHIEF INSP

CRISTINE MERIS TABDI

FERNANDO LOZADA

FREDERICK TANGO

GRACE AMARGO

INTELLIGENCE GROUP

JAMES BUSLIG MEJIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with