^

Metro

Pumalag sa magnanakaw tinodas

-
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 34-anyos na binata ng isang hindi nakikilalang magnanakaw matapos na mabuko ng una na tatangayin ng huli ang kanyang tricycle kahapon ng hatinggabi sa Navotas.

Kinilala ni Supt. Roberto Villanueva, hepe ng Navotas Police ang biktimang hindi umabot ng buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamo nitong maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na si Fernando Manlapat ng M. Naval St., Brgy. Bagong Bayan North, ng nasabing bayan.

Ayon kay SPO1 Mila Tengson, desk officer ng Navotas Police Station, dakong alas-12 ng hatinggabi kahapon nang maganap ang insidente sa naturang lugar.

Kasalukuyang natutulog ang biktima sa labas ng kanyang bahay nang bigla itong magising sa ingay na likha ng suspek habang pinapaandar ng huli ang tricycle na nakaparada sa tabi lamang ng kanyang hinihigaang folding bed.

Nang maalimpungatan ay kaagad na sinita ng biktima ang di-kilalang suspek subalit sa halip na sumagot ay bumunot ito ng patalim at agad itong inundayan ng sunud-sunod na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Bagamat duguan itong bumagsak nang iwan ng suspek ay nagawa pa ng biktimang makatayo at makalapit sa pintuan ng kanyang bahay upang humingi ng saklolo at nang buksan ito ng kanyang mga kaanak ay tuluyan itong nawalan ng malay. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

BAGONG BAYAN NORTH

FERNANDO MANLAPAT

GEMMA AMARGO

MILA TENGSON

NAVAL ST.

NAVOTAS POLICE

NAVOTAS POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with