^

Metro

12 anyos ni-rape ng kapwa 12 anyos

-
Dahil umano sa pagbabasa ng mga malalaswang babasahin kaya nagawa ng isang 12 anyos na batang lalaki na halayin ang kanyang kapit-bahay na kanyang ka-edad kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Ang biktima at ang suspek ay magkapit-bahay sa Bgy. Bagong Silang at kapwa dinala na sa Department of Social Welfare and Development para sa kostudya.

Ayon kay Inspector Remedios Kalata, hepe ng Urduja Police Station Women’s and Children Desk na ang panghahalay ay naganap dakong alas 5:00 ng hapon sa loob ng bahay ng biktima.

Niyaya ng suspek ang biktima na sila ay maglaro ng bahay-bahayan habang wala ang nanay ng huli.

Sa testimonya ng biktima siya ay pinahiga ng suspek sa sahig at hinubaran bago inumpisahan na siya ay halayin.

Matapos na makaraos ang suspek ay agad din itong umalis dahil dumating ang nanay ng biktima.

Dahil sa sakit na nadama ay agad na sinumbong nito sa kanyang nanay ang ginawa ng suspek.

Nagtungo naman sa himpilan ng barangay ang nanay ng biktima at ipinaaresto ang suspek. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

BAGONG SILANG

BGY

CALOOCAN CITY

CHILDREN DESK

DAHIL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

GEMMA AMARGO

INSPECTOR REMEDIOS KALATA

URDUJA POLICE STATION WOMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with