^

Metro

13 anyos tiklo sa pag-agaw ng cellphone

-
Naaresto ng pulisya ang isang 13 anyos na binatilyo matapos nitong agawan ng cellphone ang isang dalaga kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Kinilala ni Supt. Nemesio Neron, hepe ng pulisya ng Valenzuela City ang suspek na si Jimmy Dela Cruz, residente ng St. Joseph St., Malinta ng nasabing lunsod.

Mabillis na naaresto si Dela Cruz matapos na ito ay habulin ng mga taumbayan ng humingi ng saklolo ang biktima na si Dulce Doma,19 ng Bgy.Maysilo,Malabon City.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas 9:00 ng umaga ay sakay ng traysikel ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng St. Joseph st., ng ito ay ma-trapik.

Wala sa malay ng biktima na isang snatcher ng cellphone si Dela Cruz dahil sa sobrang bata pa nito.

Subalit ng ito ay huminto sa kanyang harapan ay agad na hinablot ang kanyang Nokia 5110.

Hindi nasiraan ng loob ang biktima sa paghingi nito ng saklolo na ikinaaresto ng suspek.

Sa interogasyon ng pulisya napag-alaman na ang suspek ay ginagamit ng isang sindikato ng agaw-cellphone na nagsasagawa ng operasyon sa lunsod. (Ulat ni Jerry Botial)

vuukle comment

BGY

DELA CRUZ

DULCE DOMA

JERRY BOTIAL

JIMMY DELA CRUZ

MALABON CITY

NEMESIO NERON

ST. JOSEPH

ST. JOSEPH ST.

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with