11 airport police na umaalalay sa mga Yakuza sisiyasatin
June 24, 2001 | 12:00am
Labing-isang kagawad ng Airport Police Department sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang iimbestigahan dahil sa umanoy pagkakasangkot ng mga ito sa ibat-ibang kasong administratibo.
Ang pagsisiyasat sa 11 airport police ay agad na pinag-utos ni NAIA General Manager Edgardo Manda na bumuo ng investigating panel dahil sa nakita sa Close Circuit Television (CCTV) monitor na ang mga APD ay nagpa-facilitate at umaalalay sa mga dumarating na suspected Yakuza gang members.
Hindi muna tinukoy ang pangalan ng sampu maliban sa isang umanong nagngangalang Cpl.Valdez upang hindi makasira sa gagawing pagsisiyasat.
Si Cpl.Valdez ay inulat na lumabag umano sa " No Acess Pass, No Entry Policy na ipinatutupad ng paliparan.
Sa ulat na ipinadala ni Supt. Danilo Florentino, deputy chief ng 1st Regional Aviation Security Group, isang hindi nakilalang babae na umano ay sumalubong sa isang pasahero ang sinita ni Francisca Aguilar, isang PNP-NUP sa arrival entrance gate, northwing.
Nakita ni Aguilar ang babaeng walang visitor’s access na nag-escort ng isang Intsik at aktong papasok sa arrival entrance gate na itinuturing na restricted area sa hindi awtorisadong sibilyan. Nang ito ay tangkang sitahin ni Aguilar, pinigilan siya ng isang guwardiya na nakilala lamang sa apelyidong Abad at sinabihan na may pahintulot ito kay Cpl. Valdez para ito ay makapasok.
Pinigil ni Aguilar ang pagpasok ng babae subalit bigla na lamang sumulpot si Galvez at sinigawan ang una na hindi dapat ito makialam dahil ang trabaho lang nito ay magsiyasat ng bag. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended