Negosyanteng Tsinoy takot sa KFR
June 23, 2001 | 12:00am
Binabalot ngayon ng matinding takot ang Filipino-Chinese community partikular na ang mga negosyante dahil sa posibleng pagsalakay at pambibiktima sa sinuman sa kanilang mga mahal sa buhay ng mga miyembro ng kidnap-for-ransom gang na gumagala sa Metro Manila.
Ito ang pag-amin kahapon ni Mr. Dante Go, presidente ng Chinese-Filipino Business Club sa isang panayam sa Camp Aguinaldo.
Sa kabila ng nakakaalarmang sitwasyon sa kasalukuyan matapos targetin ng mga kidnappers ang mga Tsinoy, sinabi ni Go na hindi pa nawawalan ng kumpiyansa at tiwala ang Chinese community sa pamahalaang Arroyo.
Bagaman mahirap ang sitwasyon ng mga Tsinoy dahil sa pagdami ng kaso ng kidnapping ay wala siyang naririnig na nag-alsa balutan ang hanay ng mga negosyante sa kanilang komunidad.
Pinayuhan ni Go ang mga kasamahan nitong mga Tsinoy na pag-ibayuhin ang pag-iingat upang hindi mabiktima ng KFR. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest